May isa na namang nakamit na milestone si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz bilang isang atleta. Napasama kasi ang 2020 Tokyo Olympics gold medalist sa pinarangalan ng Association of South East Asian Nations. Kabilang si Diaz sa idinaos na Virtual Tribute to ASEAN Tokyo 2020 Olymoic and Paralympic Medalist sa Japan.
Itinanghal ding best performing ASEAN country ang Pilipinas sa Olympics. Kung saan, nakakuha ang bansa ng 1 gold, 2 silver at 1 bronze.
Ang nasabing event ay pinangasiwaan ng ASEAN Secretariat nitong Biyernes. Bukod kay Hidilyn, kasama rin sa pinarangalan si ASEAN Senior Officials on Sports (SOMS) Philippine Leader Atty. Guillermo Iroy Jr.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2