January 27, 2025

HIDILYN DIAZ, EXCITED NANG BUMUHAT PARA SA OQT SA UZBEKISTAN

Excited na si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz na bumuhat sa Asian Weighliting Championship bukas sa Tashkent Uzbekistan. Ito ang magiging pasaporte niya upang makalahok sa Tokyo Olympics.

Target ni Diaz ang kanyang ikaapat na appearance sa Summer games. Kung saan ito ay magsisilbing Olympic Qualifying Tournament (OQT). Kung papalarin, tiyak na ang pagrekta niya sa prestigious sport event sa July 23 hanggang August 8.

By competing in this event, which serves as the Olympic Qualifying Tournament (OQT) for the region, Diaz will automatically qualify in the Tokyo Olympics set on July 23 to August 8.

Halos isang taon din ang hinintay ni Diaz sa nasabing torneo. Na nahinto nitong nakaraang April dahil sa pandemic.

Ayon sa 30-anyos na Rio Olympics silver medalist, atat na siyang bumuhat. Lalo pa nga’t tuloy na tuloy na ang torneo sa kabila ng strict health measures ng organizers.

I’m excited, very excited,” pahayag ni Diaz sa Manila Bulletin sa isang message exchange.

It’s like the Olympics competition, almost all the strong contenders in the 55kg category are here. It’s going to be an exciting event, a preview of the Tokyo Olympics I think,” aniya.