Ipinag-utos ni NBI OIC Director Eric Distor ang pagtanggal kay Assistant Regional Director Vic Lorenzo bilang head ng NBI-Cybercrime Investigation and Assessment Center dahil sa mga anomalya
Bukod kay Lorenzo, kasama rin sa inalis sa posisyon sa Cybercrime Division ang iba pang opisyal habang nakabimbin ang imbestigasyon ng Internal Affairs Division sa mga maanomalyang operasyon.
Iniutos rin ni Distor na ireview ang mga pinaiiral na panuntunan at iba pang operational guidelines at procedures para maging organisado ang operasyon ng iba’t ang departmento ng bureau sa buong bansa
Kabilang sa mga pinabubusisi ni Distor ay ang Search Warrant operations, Intelligence operations, at ang investigation operations.
Layon aniya nito na lahat ng operasyon ay idaraan sa kanyang tanggapan katuwang ang mga deputy director upang maiwasan ang pag-abuso sa tungkulin.
Gayunman sa kabila nitong mga information na inilabas ng NBI kaugnay sa pagtanggal kay Assistant Regional Director, Vic Lorenzo at pinuno ng NBI-Cybercrime Investigation and Assessment Center (CIAC) at kanyang mga tauhan sa Cybercrime Crime Division, hindi rin nakasaad sa inilabas ng NBI na kung anong kasong kinasasangkutan ng mga naturang opisyal. (FELIX LABAN)
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE