ARESTADO ng mga operatiba ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) dahil isang police commander at ang kanyang kasabwat na sibilyan dahil sa pangingikil sa Caloocan nitong Lunes.
Kinilala ni PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) director, Brig. Gen. Ronald Lee ang mga suspek na sina Major Celso M. Sevilla, hepe ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 10, at Nestor Rivera.
Agad na inaresto at dinisarmahan si Sevillla matapos tanggapin ni Rivera ang P300 na marked money mula sa complainant na ibinigay niya sa una sa isinagawang entrapment operation sa loob ng police station.
Samantala, nanatiling malaya ang ikatlong suspek na kinilalang si Cpl. Albert N. Cruz.
Nag-ugat ang operasyon dahil sa umano’y pagkakasangkot ni Sevilla at Cruz sa malakihang raket nito sa kanilang lugar para bigyan ng proteksiyon ang mga nagtitinda ng gasolina upang hindi mabulabog ang kanilang operasyon kapalit ng salapi.
“We have arrested another police officer accused of extortion in line with our continuing implementation of Gen. (Archie) Gamboa’s directive to go after rogues in uniform regardless of their rank and stature. We assure the public too that we will immediately and properly act on all complaints against erring police officers and men being forwarded to us,” saad ni Lee.
Bukod sa kasong kriminal, sinamapahan din kasong administratibo si Sevilla.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA