NASA malubhang kalagayan ang isang helper matapos pagsasaksakin ng kapwa helper dahil sa umano’y selos nang maaktuhan ng suspek ang biktima na nasa loob ng tirahan ng dati niyang live-in partner sa Valenzuela City.
Nakaratay habang inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Mico Ladisla, 24, ng Blk. 12, Bldg. 3 Unit 104 Disiplina Village sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kaagad namang nadakip ng mga tauhan Valenzuela Police Sub-Station (SS7) ang suspek na si alyas “Mark Anthony”, 35, ng Blk. 6 Bldg. 7 Unit 110 Disiplina Village, Bignay.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nangyari ang insidente sa loob ng tirahan ni alyas “Julie Ann” sa Blk. 6 Bldg. 2 Unit 108 Disiplina Village dakong alas-9 ng Biyernes ng gabi nang mabisto ng suspek na nasa loob ng bahay ng dati niyang ka-live-in ang biktima.
Kumatok umano ng pintuan ng tinitirhang unit ng dating kinakasama ang suspek at nagulat nang ang magbukas ng pintuan ay si Ladisla na sa pagkataranta ay kaagad isinara at ni-lock ang pinto.
Puwersahan namang binuksan ng suspek ang pintuan at nang makapasok, kaagad silang nagsuntukan ng biktima hanggang makadampot ng patalim si ‘Mark Anthonyu’ saka inundayan ng sunod-sunod na saksak ang karibal.
Tinangka namang umawat ng babae dahilan upang masugatan sa braso at kamay habang nagawang makatakbo palabas ni Ladisla at humingi ng tulong sa mga barangay tanod na sila namang humingi ng tulong sa SS7.
Matapos ang insidente, isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan habang nadakip ng mga tauhan ng SS7 ang suspek na mahaharap sa kasong frustrated homicide at attempted homicide sa piskalya ng Valenzuela City.
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita