SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos na helper matapos isama sa kanyang tinutuluyan barracks ang isang dalagang may kakulungan sa tamang pag-iisip saka pagsamantalahan sa Malabon City.
Nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang naarestong suspek na kinilalang si Ritchie Paalisbo, ng Brgy. Muzon.
Sa ulat ni P/SSgt. Diana Palmones ng Women and Children Protection Desk (WCPD) kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, nagawa umanong dalhin ng suspek sa kanyang tinutuluyang barracks sa Kaunlaran Street, Brgy. Muzon ang 21-anyos na dalagang PWD dakong alas-4 ng madaling araw at doon ginawan ng kahalayan.
Bandang alas-9 ng umaga nang malaman ng nakatatandang kapatid ng biktima na nakatira sa Valenzuela City ang naganap na panghahalay sa kanyang kapatid kaya agad siyang humingi ng tulong sa Malabon Police Sub-Station 7.
Sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng SS7 ay nadakip ang suspek sa kanyang tinutuluyan na positibong itinuro at kinilala ng biktima
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag