
SWAK sa kulungan ang isang helper matapos mahuli sa akto ng mga pulis na kinakalikot ang isang baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Ronel Tanseco, 32 ng Libis Talisay 111 Barangay 12.
Ayon kay Col. Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Caloocan police sa Libis Talisay 111 Brgy. 12, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maaktuhan nila ang suspek na kinakalikot ang isang baril.
Kaagad nilapitan ng mga pulis ang suspek saka kinumpiska sa kanya ang hawak na baril na isang cal. 38 revolver na may dalawang bala at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng naturang baril ay wala siyang naipakita.
Pinosasan ng mga pulis ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act).
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN