NAGHAIN ng resolusyon si Senator Grace Poe na naglalayong palawigin ang coverage ng vote-buying sa ilalim ng Omnibus Election Code (OEC).
Ayon sa senadora na bagamat may mga batas na ipinasa upang hindi na maulit ang “Hello Garci” scandal tulad ng computerization o automation pero malaking problema pa rin hanggang ngayon ang vote-buying.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2664, iminungkahi ni Poe na amyendahan ang kahulugan ng vote-buying sa ilalim ng OEC.
Sa panukala, sasaklawin na rin ang pagbili ng boto sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya, computer, devices, software, at applications at parusang pagkakakulong na hindi bababa sa anim na taon at hindi rin tataas sa sampung taon.
Magugunita ng dalawang dekada ang nakalilipas nang mangyari ang kontrobersiyal na “Hello Garci” Scandal.
Sa plenaryo ay sinariwa ni Poe ang eskandalong bumago sa kasaysayan ng Pilipinas.
Bagamat hindi naman pinangalanan ni Poe, pero batid na mahigpit na magkalaban noong 2004 presidential elections ang ama ng senadora na si yumaong Fernando Poe Jr. at si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa “Hello Garci” ay nag-sorry si Arroyo matapos na lumabas ang kontrobersyal na tawag ng isang babae na kaboses ng dating Pangulo at sa kabilang linya na hinihinalang si dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano na inuutusang mag-produce ng isang milyong boto.
More Stories
Tulak huli sa Navotas buy bust, halos P400K shabu nasabat
Rider na walang helmet, tiklo sa mga baril at shabu sa Caloocan
Wanted na rapist, nakorner sa Malabon