TATAPUSIN na ba ng Barangay Ginebra o may bukas pa para sa bisitang Bay Area Dragons?
Magkakaalaman na ngayong gabi sa paghaharap ng home team at dayuhan ang kahihihinatnan ng best of seven finals ng PBA Commissioner’s Cup sa inaasahang dadagsaing Araneta Coliseum kung saan ang Ginebra ay umaasam ng panibagong kampeonato ng kumperensyang nakamit noong 2018 pa habang ang Hongkong -based team ay naglalayong dominahin ang pinakapopular ng koponan sa bansa na di lamang ang team pride ang nakataya dito kundi pati na ang liga mismo at sambayanang basketball loving Filipinos.
Tangan ng Gin Kings ang bentaheng 3-2 kartada matapos na dominahin ng never-say-die team ang Dragons,101-91sa game 5 sa dinumog na Mall of Asia Arena nitong weekend.
Ayon kay PBA winningest PBA coach na si Tim Cone,ang naturang finals na aniya’y battle of adjustments ay hindi dapat kumurap at magpakapante kahit malaki ang abante dahil ang kalaban aniya ay walang daga sa dibdib,disiplinado,well coached at mga asintado.
” They’re well coached,even without Nicholson and starting guard Yang ,they are as good as they were. They (Dragons )may have surprise weapons ,but we have lethal weapons”, wika ni Cone na pinaghahandaan na ang posibleng pagbalik ng Bay Area mainman at numero- unong pointguard pati na ang pag-neutralize kina Kobey Lamb at Hayden Blankley na all -around sa laban at deadly sa rainbow territory. Patuloy namang mananalasa sa opensa sina Ginebra Kings Justin Brownlee( PBA Best Import), BPC Scottie Thompson, clutchman Stanley Pringle,playmaker LA Tenorio,malagkit na depensa nina Christian Stanhardinger,Jamie Malonzo at Japeth Aguilar upang maialay na sa bayang basketbolista ang matamis na kampeonato kontra mga higanteng dayuhan mula Hongkong China.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag