Angat man sa standings ng pre-season ng Eastern Conference, tila hindi ito naging pasaporte ng Milwaukee Bucks sa semis. Tinusta ng Miami Heat ang Bucks, 103-94 sa Game 5 (4-1 sa series).
Kaya naman, naglaho ang pag-asa ng Bucks na pumalaot sa finals. Malaking bagay ang pagkawala ni Giannis Antetokuomnpo sa laro.
Ito ang naging barometro ni Heat coach Erik Spoelstra upang samantalahin ang pagkakataon. Nanguna sa panalo ng Heat si Jimmy Butler at Goran Dragic na kapwa nagtala ng 17 points.
Nagtala rin si Butler ng 10 boards at 6 assists. Four rebounds at 2 assists ang ginawa ni Dragic.
Sa panig naman ng Bucks, gumawa si Khris Middleton ng 23 points, 7 boards at 6 assists. Habang 17 points, 4 boards at 1 assists si Donte DiVicenso.
Narito ang stats ng Heat-Bucks sa Game 5:
MIA:Jimmy Butler: 17 Pts. 10 Rebs. 6 Asts. 1 Stls. Goran Dragic: 17 Pts. 4 Rebs. 2 Asts. Jae Crowder: 16 Pts. 6 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Tyler Herro: 14 Pts. 8 Rebs. 6 Asts. 1 Stls. 1 Blks.
MIL:Khris Middleton: 23 Pts. 7 Rebs. 6 Asts. 1 Stls. Donte DiVincenzo: 17 Pts. 4 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. Brook Lopez: 15 Pts. 14 Rebs. 1 Blks.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2