November 3, 2024

HEALTH EDUCATION PROGRAM NG MUNTINLUPA ISINAGAWA PARA SA COVID-19 BAKUNA

Nagsasagawa ang Muntinlupa City Government ng Health Education Program na pangungunahan ng city health office at PIO upang ipaunawang mabuti sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna na panlaban sa COVID-19 sa sandaling dumating na ito sa bansa.

Ayon kay pio chief Tez Navarro, ang health education program ay coordinated sa lahat ng barangay sa lungsod.

Puspusan na din umano ang paghahanda ng mga doktor mula sa Muntinlupa City Health Office at iba pang mga opisyal upang maging matagumpay ang pagbabakuna sa nasabing lungsod.

Matatandaang nagsagawa ng vaccine simulation ang Muntinlupa City noong Friday na pinangunahan naman ni Mayor Jaime Fresnedi upang ipakita ang magiging proseso nito sa pagbibigay ng bakuna.

Ayon kay Navarro nasa 400,000 doses mula sa AstraZeneca ang inilaan ng lungsod para sa libreng pagbibigay ng bakuna sa mga nasasakupan nito mula sa 28 pampublikong paaralan na gagamitin bilang vaccination centers.

Nakatakda naman bisitahin ng IATF code team ang Muntinlupa City sa February 5 para tingnan ang kahandaan nito sa vaccination program ng pamahalaan. (Balita ni RUDY MABANAG)