May 17, 2024

Hawig kasi ni Pia, FAITH DA SILVA, GUSTONG SUMABAK SA BEAUTY PAGEANT

Marami ang nakapapansin na hawig ni Faith da Silva si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Para raw silang magkapatid kung ikukumpara.


Kaya, walang masama kung ita-try niyang maging beauty queen. May height naman siya at swak siyang sumali sa pageant.


Ayon pa sa magandang aktres, tumitiyempo lang siya. Pag time na, saka siya sasali. Kasi, may goals pa siya na dapat aniyang marating. Isa na nga rito ang magkaroon ng seksing katawan.


Kaugnay naman sa sitsit na may something sa kanila ni Albert Martinez, sinabi nito na biruan lang ang lahat. Although sinabi niyang pwede syang ma-inlove sa mas may edad sa kanya.

Wala raw rito ang basehan ng pag-ibig. Magkasama kasi ang dalawa sa bagong teleserye na ‘ Las Hermanas’ ng Kapuso Network.