November 23, 2024

HAPPY GO LUCKY ANG FUTURE PH ATHLETES SA AKADEMYA MATAPOS ANG PANDEMYA

NAUDLOT man ang saya ng ating mga kabataang atleta dahil sa pandemya, labis pa ring ikinagalak ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pagiging realidad na ng kanyang pet project na National Academy of Sports (NAS).

Matapos na lagdaan  ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang pagiging batas na ng RA 11470 na nagtatatag ng National Academy of Sports( NAS), ito’y nakadisenyo bilang educational facility para sa mga student athletes ng bansa na ngayon ay malapit nang mapakinabangan pagkatapos na  magapi ng siyensiya ang krisis na pandemya.

Nakapaloob sa bagong batas ang: ‘the NAS is tasked to implement a secondary education program that is integrated with a special curriculum on sports to help young Filipino athletes develop by their sporting skills’.

Ang RA 11470 ayon kay Senator Go,, ay gumagarantiya ng full scholarship sa mga kwalipikadong student athletes.

 Itinatayo ang main campus ng  NAS  sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na equipped  ng kinakailangang pasilidad sa  sports at iba pang amenities  at school buildings batay sa kasalukuyang international standards at ito ay attached sa Department of Education.

Kumpiyansa si Go – chairperson ng Senate Sports Committee at isa sa pangunahing may akda ng batas na sa pagkakatatag ng NAS na di lamang mage-enjoy ang mga student athletes sa antas ng training kundi  makakapagsabayan pa sila sa pinakamagagaling sa mundo at mabibiyayaan pa sila ng de- kalidad na edukasyon pagbalik sa normal ng sitwasyon.

 “ We established a learning institution focused on sports,I firmly believe that with this law,we will able to catch up with the best in the  world in terms of sports development”,pahayag ni Go.

  Ang New Clark City Sports Complex ang pinagdausan ng 30th Southeast Adian Games Philippines 2019 kung saan ay overall champion ang Pilipinas.

 Kaya nga kundi lang nangyari ang covid 19 virus scare ay nagsisimula na sana ang komprehensibong pag-aaral ng ating future national athletes na legasiya ng sportsman at public servant na si SBG at ang magiging produkto ng NAS sa ‘Pinas sa kanyang pagsisikap ay legasiya ng Duterte administration.

  Mabuhay ang future national athletes.Medalya na ..diploma pa..ABANGAN!