Patuloy na lumalakas si Bagyong Hanna habang kumikilos sa west-northwestward patungong silangang karagatan ng Taiwan.
Nanatili sa Signal No.1 ang Batanas, batayt sa 5 pm bulletin ng PAGASA.
Namataan ang sentro ng bagyo nitong alas-4:00 ng hapon sa 375 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes patungo sa west-northwestward sa 20 km/h.
May lakas na hangin si Hanna na 140 km/h malapit sa sentro at pabugsong 170 km/h.
Samantala, patuloy na pinalalakas ni Hanna ang Habagat, na magdadala ng malakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon sa loob ng susunod na tatlong araw.
Inaasahan na lalakas si Hanna hanggang mag-landfall sa eastern coast ng southern Taiwan bukas ng hapon o gabi.
“Considerable weakening is expected as a result of Hanna crossing the rugged landmass of Taiwan. On the forecast track, Hanna will exit the Philippine Area of Responsibility and emerge over the Taiwan Strait around Monday morning,” dagdag ng PAGASA.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!