HINARANG ng Bureau of Bureau of Immigration (BI) at inaresto ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang tatlong Chinese national na sangkot sa pagnanakaw paglapag ng eroplano na kanilang sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Kinilala ni BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado ang tatlong dayuhang suspek na sina Lyu Shuiming, 48; Xu Xianpu, 41 at Xie Xiaoyong, 54. Isinuplong sila sa BI officers sa NAIA Terminal 3 noong Setyembre 15 matapos makuha sa kanila ang ninakaw na handbag sa Philippine Airlines flight mula Kuala Lumpur.
Nahuli sa akto ng flight attendant ang ginawang pagnanakaw ni Lyu at kanyang mga kasabwat sa handbag na may lamang P63,000 na pagmamay-ari ng isang babaeng judge na bumibiyahe kasama ang dalawang abogado.
Binuksan ni Lyu ang overhead stowage bin ng eroplano kung saan nakalagay ang bag ng judge. Kalaunan, nakita siya ng airline personnel na hinahalungkat ang personal na gamit ng judge at kinuha ang mahahalagang bagay na nasa loob nito.
Napag-alamang may valid visa si Lyu para makapasok sa Pilipinas. Agad na inaresto ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) si Lyu, habang sina Xu at Xie ay sumakay sa isang outbound flight. Lahat silang tatlo ay inirekomenda para isama sa blacklist ng BI.
Sinabi ni Viado na patuloy silang makikipagtulungan sa mga airline at airport security para ma-monitor ang mga galaw ng mga dayuhan na maaaring miyembro ng nasabing gang.
Pinasalamatan ng BI Chief ang airline staff at ang PNP AVSEGROUP sa kanilang pagiging maagap at tulong sa kaso.
“We will not allow these kinds of foreigners to victimize our kababayan,” ani Viado. “The BI will continue to monitor the progress of this case, and blacklist any other members that might be found,” dagdag pa nito. ARSENIO TAN
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA