
TUMAAS ang blood pressure ni Kontra Daya convenor Prof. Danilo Arao matapos marinig at mapanood ang mahalay na joke ni Pasig City congressional candidate Atty. Ian Sia kaugnay sa mga single parent.
Dahil dito hinamon ni Arao si Sia na iatras ang kanyang kandidatura.
“Kung may delikadeza pa siya, mag-withdraw na siya ngayon pa lang ng kanyang kandidatura at harapin niya kung anumang kasong ihaharap sa kanya o ipa-file sa kanya… either Comelec ‘yan, Gabriela o anumang grupo na nagpahayag ng kanilang discontent sa ginawa niyang pabiro ‘diumano,” ayon kay Arao.
“Hindi biro ‘yun at kailanman ay hindi mo dapat binabastos — yung mga single parent o single mother,” dagdag pa nito.
Nag-sorry na si Sia matapos siyang mag-viral hinggil nga rito sa kanyang naging joke sa mga solo parents na ikinagalit ng mga netizens at iba pang grupo.
“Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa – Nay, malinaw, nireregla pa – at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwedeng sumiping ho sa akin,” biro ni Sia sa kanyang viral video.
Ayon kay Sia, hindi pinakita sa video ang positive reaction ng mga audience, na siyang totoong purpose ng kanyang “joke.”
“Wag po kayo magalit sakin, magalit po kayo sa gumawa ng video… Ang nakita lang sa video yung sinabi, pero yung reaksyon ng tao, hindi nakita na tumawa, yun lang ang purpose ng joke,” ayon kay Sia.
Paliwanag ni Sia hindi niya intensiyon na makasakit ng tao, sa halip nais niya lang daw gulatin ‘yung mga audience para mapukaw ang atensiyon, partikular na kapag tinatalakay ang kanyang plataporma.
“Pag nagsasalita ako, tipikal mahaba na [dahil] nakapagsalita na lahat [sa slate] so yung mga tao naiinip, na ayaw na makinig, so ginugulat ko lang ng joke so yung atensyon napupukaw,” aniya.
Sa kabila ng kanyang paliwanag, nag-sorry na si Sia sa mga nasaktan sa kanyang mga binitawang salita.
“Ngunit ako ay nakasakit sa aking sinabi, humihingi po ako ng taos-pusong dispensa,” saad niya.
Samantala, inanunisyo ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila palalampasin ang naturang insidente at hinimok ang mga kandidato na itaas ang antas ng pangangapmaya at iwasan sa paggamit ng mga biro o katatawanan na maaring ituring na pambabastos.
More Stories
SUSPENSIYON VS GOV’T EMPLOYEE NA MAGLA-LIKE AT SHARE NG POLITICAL POSTS (Babala ng CSC)
DE LIMA KINONDENA SI REP. GONZAGA SA KANYANG ‘MAGALING KUMADYOT’ REMARKS
BAGONG PILIPINAS NATIONAL FOOD FAIR, PINASINAYAAN