Halalan 2022 na bukas at excited na ang ating mga kababayan na bumuto. Ito na ang pagkakataon na pipili si Juan De la Cruz ng mga iluklok na lider sa bayan. Siyempre, pang main-event dyan ang presidentiables.
Sino nga ba ang nasa puso ng nakararaming Pilipino? Diyan na malalaman ang pulso ng bayan. Hindi maikakaila na na stressed rin ang iba dahil sa usapang politika. Bangayan dito at diyan sa social media. May iba pa nga na nagkalamat ang samahan at pagkakaibigan.
Ito ay dahil sa kani-kanilang pinapanigang kandidato. Gayunman, irespeto natin at hilingin na maging mapayapa ang halalang ito.
Ika nga, dapat sport ka lang sa politika. Walang personalan, boto lang. Para sa iba, ito rin ang panahon na aalisin nila ang ayaw na nila. Magluluklok sila ng mga bagong lider na inaasahan nilang may malasakit sa sambayanan.
Siyempre, kapag eleksyon, may iiyak at may tatawa. May magdiriwang at magluluksa dahil sa pagkatalo. Sa bandang huli, Pilipino pa rin tayo at matapos nito, kalimutan na ng iba ang sigalot at tampuhan.
Ikaw, siya, sila, tayo ay kapwa excited na.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANGĀ DAGAT NG PILIPINAS