April 14, 2025

GUN RUNNER TIKLO SA CAVITE

NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 4A Special Team, Regional Mobile Force Batallion at ng Bacoor City Component City Police Station ang isang suspek na gun runner makaraang kumagat sa inilatag na entrapment operation at nasasaman ng iba’t ibang klase ng mga matataas na kalibre ng mga baril at mga bala bandang hapon araw ng lunes (April 7, 2025) sa Brgy. Molino 2 ng Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jay”, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.

Base sa ipinalabas na report galing sa opisina ni PRO 4A Calabarzon Police Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, naaresto ang suspek matapos na makipagtransaksyon sa mga pulis na nagpanggap na bibili ng matataas na kalibre ng mga baril at narekober sa suspek ang mga sumusunod; Apat (4) na piraso ng KG9 Long firearms, Dalawang (2) piraso ng AR15 Long firearms, Isang (1) piraso ng caliber 45 pistol, Isang (1) piraso ng caliber 22 pistol, Six (6) piraso ng 9mm long double magazine, Isang (1) piraso ngĀ  lower frame para sa caliber 45 na baril, Tatlong (3) piraso ng caliber 45 magazine, Isang (1) box ng caliber 45 live ammunitionrg, Isang (1) ziplock plastic bag ng 9mm live ammunitions at ang ginamit na boodle marked money.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at Omnibus Election Code na Gun ban. (ERICHH ABRENICA)