December 24, 2024

Guidelines sa kampanya vs online sexual harassment, inilunsad

INILUNSAD na ng Department of Justice ang guidelines patungkol sa pagpapalakas ng mga kasong may kaugnayan sa online sexual harassment sa mga kababaihan.

Katuwang ng DOJ sa paglulunsad ng “Guidelines in Gathering Evidence and Case Build-up of Gender-Based Online Sexual Harassment” o GBOSH, ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)

Layon ng DOJ sa pakikipagpartner sa mga law enforcement agencies na makapagtatag na malinaw na proseso sa pagtanggap ng mga reklamo, pagresolba sa mga insidente at pangangalap ng mga ebidensiya.

Kumpiyansa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makatutulong sa mga otoridad ang guidelines upang maging epektibo ang pag-iimbestiga at pag-usig sa mga lumalabag sa batas gamit ang electronic evidence saan man nakalap ang ebidensiya.

Ayon kay Secretary Remulla, ang makabagong  GBOSH guidelines  ay  palatandaan ng makabuluhang pagbabago sa kampanya laban sa  online violence.

Tinitiyak ng Kalihim na desidido ang pamahalaan na iparanas sa sambayanang Filipino ang ligtas na digital space.

Ang paglulunsad ng guidelines ay kasabay ng selebrasyon ng buwan ng kababaihan ngayong Marso.