INANUNSIYO ng Government Service Insurance System (GSIS) na pinalawig pa nila ang kanilang emergency loan program upang matulungan ang mga miyembro at pensioner nito na apektado ng bagyong Enteng sa sandaling isailalim sa state of calamity ang kanilang lugar.
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng tuloy-tuloy na emergency loan program ng GSIS at puwede ito sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity sa buong bansa.
Ang mga miyembro at pensioner na apektado ng Habagat at Bagyong Carina ay maaring mag-apply hanggang sa itinakdang deadline: Oktubre 26, 2024 para sa Baco at Pinamalayan, Oriental Mindoro; Oktubre 25, 2024, para sa Batangas, Rizal at NCR; Oktubre 29, 2024 para sa Bulacan at Pampanga; Oktubre 31, 2024 para sa Camiling, Tarlac; Nobyembre 1, 2024 para sa San Andres, Romblon at Mabitac, Laguna; Nobyembre 5. 2024 para sa Ilocos Norte at La Union; Nobyembre 13, 2024 para sa Ilocos Sur; at Nobyembre 21, 2024 para sa Mangatarem, Pangasinan.
Para maging kwalipikado para sa emergency loan, sinabi ng GSIS na ang mga aktibong miyembro ay hindi dapat na nasa unpaid leave, walang pending administrative o legal cases, at mayroong kahit paano ay anim na monthly premium payments bago mag-apply.
Tinuran pa ng GSIS na ang borrowers’ net take-home pay ay hindi dapat na mababa sa P5,000 gaya ng nakasaad sa General Appropriations Act.
“To be eligible for the loan, old-age and disability pensioners must have a net monthly pension that is at least 25% of their gross pension after deducting the amortization of the loan,” ayon pa rin sa GSIS.
“Those without existing loans may apply for up to P20,000. The loan features a low interest rate of 6% per annum and a repayment period of three years,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng GSIS na “members and pensioners with existing emergency loan balances may borrow up to P40,000 to enable them to clear their previous loans and receive a maximum net amount of P20,000.
Ang mga eligible members ayon pa rin sa GSIS ay maaaring mag-apply para sa loan online sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app.
Maaari ring maghain ang eligible members ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng sangay ng GSIS, mga pangunahing tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education, provincial capitols, city halls, municipal offices, at piling Robinson’s at SM malls
More Stories
Ex-Davao warden binati ni Digong… 3 CHINESE DRUG LORD, GINAWANG DINUGUAN
Kris babalik sa Pinas… TULOY ANG LABAN
PUP-MPAMS KAMPEON SA 1ST YMCA WOMEN’S BASKETBALL CHAMPIONSHIP