INANUNSIYO ng Government Service Insurance System (GSIS) na muli nilang binuksan ang COVID-19 Emergency Loan Program para sa mga miyembro at pensiyonado.
Isinagawa GSIS ang naturang hakbang na muling buksan ang loan window matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1021 na nagpapalawig sa state of calamity sa bansa dahil sa pandemya.
“Gusto naming mabigyan ng ginhawa ang ating active members at old-age at disability pensioners na apektado nitong pandemya at hindi pa nakikinabang sa pribilehiyong ito. To date, there are still 700,000 of our 1.3 million qualified members and pensioners who have yet to file their emergency loan application. Hopefully, the three-month application period will give them ample time to prepare the requirements and submit them to us,” wika ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.
“We are mobilizing our resources to help members and pensioners who need financial assistance. Of the Php43.01 billion that we have set aside for this loan facility, we have already released Php18 billion to nearly 600,000 of them,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng COVID-19 Emergency Loan program, ang mga qualified borrowers na may existing emergency loan ay maaring makahiram ng P40,000 upang mabayaran ang kanilang previous emergency loan balance at makatatanggap pa rin ng P20,000. Bagama’t hindi na qualified na makapag-apply ang mga nakapag-avail na ng COVID-19 Emergency loan.
Kwalipikado na makapag-apply ang mga miyembro na aktibo sa serbisyo, maliban sa mga leave of absence without pay; walang pending na administrative o criminal case; mayroong “arrears” sa pagbabayad ng mandatory life insurance contributions o may mga hindi bayad na loan sa mahigit anim na buwan. Upang masigurong may sapat na take-home pay pa rin ang borrowers matapos ma-avail ang loan, kailangang magkaroon ng minimum take-home pay na P5,000 ang mga ito kasunod ng pagbawas sa buwanang premium contributions at loan amortizations mula sa kanilang sahod, ayon sa GSIS.
“All emergency loan applications will still be subject to the approval of the respective agency authorized officers of the members’ employer,” ani pa ni Macasaet.
Samantala, maaaring mag-apply sa loan ang mga matatanda at disability pensioners kung nasa 25 na porsyento ng kanilang basic monthly pension ang resulting net monthly pension ng mga ito matapos ang pag-avail ng loan, ayon pa rito.
Maari ring i-download ang COVID-19 Emergency application form sa https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms.
Upang matiyak ang public health at safety, maari ring mag-file ang mga miyembro at pensiyonado sa pamamagitan ng contactless method.
Maari nilang isumite ang kanilang emergency loan application sa pamamagitan ng pension fund’s web based facility, ang Electronic GSIS Member Online (eGSISMO).
Kailangan lamang mag-sign up ang mga miyembro para sa kanilang eGSISMO account na makikita sa http://egsismo.gsis.gov.ph/ at ilagay ang kanilang GSIS business partner (BP) number.
Makukuha nila ang mga BP number sa kanilang office’s agency authorized officer o electronic remittance file handler; anumang tanggapan ng GSIS; o sa GSIS Contact Center (8-847-4747).
Maari rin nilang i-email ang kanilang emergency loan application sa designated email addresses ng mga branch office na sakop ng ahensiya ng mga aktibong miyembro at ayon lugar ng tahanan ng mga pensioner sa https://www.gsis.gov.ph/advisory-on-the-new-email-addresses-of-gsis-offices/.
Maari ring pumili ang mga borrower, maliban sa pensioner, para mag-file ng loan application sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWPAS) kiosk na matatagpuan sa lahat ng GSIS branches, Department of Education offices, provincial capitols, city halls, Robinsons Malls at piling SM Supermalls.
Electronically credited sa Unified Multi-Purpose ID UMID card o temporary eCard account ng borrower ang loan.
Para sa mga may katanungan sa emergency loan at mga interesado ay maaring bisitahin ang GSIS website, http://www.gsis.gov.ph; GSIS Facebook account, @gsis.ph; email [email protected]; o tumawag sa GSIS Contact Center sa numerong 8847-4747 (kung sa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), at 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N Text subscribers).
More Stories
BORACAY SOBRANG MAHAL? MAYOR DUMEPENSA
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
2 menor de edad nalunod sa Laguna Lake sa Binangonan, Rizal