January 13, 2025

GSF RAVEN SIKARAN TANAY HIGH FIVE NGAYONG ENERO 2025

UMARANGKADA na ang aksiyon sa larangan ng tradisyunal sport na SIKARAN ngayong maagang bahagi ng Enero 2025 partikular sa bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal.

Nagsimulang humataw ang aksiyon sa naturang orihinal na Pinoy sining marsyal at self defense tactics sa pagbubukas ng Tanay Sikaran Martial Arts School na nasa  Damaso Libis Bgy.San Isidro , Tanay; Rizal.

Ayon kay GSF Raven Sikaran Tanay founder/ CEO Master Crisanto Cuevas,humataw na ang training ng mga kabataang sikaran enthusiasts at dagsa na rin ang mga nais na mag-enroll sa school/ gymnasium na kanyang itinatag bilang modelong template para sa mga iba pang sikaran clubs na lumalawig na sa buong kapuluan.

“Our Sikaran traditional martial arts sports started the year in a big bang.Walang puknat na aksiyon ang ating sikaran ngayon kaya ating sigaw sa ating mga bayang sikaranista..high five 2025!”, wika ni Master Cuevas, secgen ng US- based Global Sikaran Federation na itinatag naman ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag.

Nitong nakaraang weekend ay nagdaos ng Demo  sport ang GSF Raven Sikaran Tanay na dinagsa ng young and adult sikaran enthusiasts na dinaluhan din ng mga karatig na clubs mula Metro Manila.

Nagkaroon dìn ng side event bilang nightcap ng sanlinggong kaganapan ang Tanay Amateur Singing Contest na ini-host ng 4d Road International Committeè de Festejos sa timon ni dating Sanggunìang KabataanFed.’92 Allan Sacramento.

Inaasahan ilalabas na ang nakakalendaryong kaganapan ng  Sikaran events ngayong 2025 at kabilang din sa misyon ang makamit na ang rekognisyon ng Philippine Olympic Committee(POC) at ng Philippine Sports Commission( PSC) bilang opisyal na National Sports Association.