
MAYNILA – Hinikayat ng grupo ng mga negosyante si Manila Mayor Isko Moreno para tumakbong Pangulo sa 2022 elections.
Inilunsad ng Young Entrepreneurs Supportking Isko Moreno (YES Isko) ang kanilang kampamya sa pamamagitan ng isang brief event sa Bonifacio Shrine sa Maynila, pinupuri ang alkalde sa kanyang “trailblazing leadership.”
“We believe ‘Yorme’ deserves to be the President of the Republic of the Philippines,” saad ni YES Isko convenor Ali Garangan II.
“Kami ay nananawagan po sa inyo na sana po ay tumakbo po kayo sa pagka-presidente sa 2022. Kami ay nananiniwala sa inyong leadership and dedication, sa pagmamahal sa ating mga kababayan,” dagdag niya.
Nabanggit din ng grupo na naisalba ni Moreno ang ekonomiya mula sa impact ng COVID-19 sa kanyang siyudad. Sinabi rin nila na maganda ang track record ng alkalde para ito’y maging susunod pangulo ng Pilipinas.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na