January 14, 2025

GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA BAGONG SILID-ARALAN SA BURDEOS, QUEZON ISINAGAWA

Pormal nang inumpisahan ang pagtatayo ng bagong silid-aralan sa bayan ng Burdeos sa probinsya ng Quezon sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, Inc. nito lamang Nobyembre 8, 2023. Layon nitong mapaunlad ang mga edukasyong pasilidad sa mga liblib na lugar ng probinsya.

Pinangunahan mismo ni Ms. Maria Cristina Dungca, na syang kumatawan kay GMAKFI Executive Vice President at Chief Operating Officer Ms. Rikki Escudero- Catibog ang paglalagda sa isang Memorandum of Agreement maging ang pagsasagawa ng ground breaking ceremony sa lugar kasama sina 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong, 202nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Cerilo C Balaoro Jr, mga representante mula sa 564th Engineering Construction Battalion, Burdeos Municipal Vice Mayor Hon. Gina P. Gonzales at ng Department of Education sa pangunguna ni Public Schools District Supervisor, Dr. Leonora T. Mopera.

Matatandaan nitong Agosto ngayong taon, matagumpay ding naitayo sa Binibitinan Elementary School sa bayan ng Polillo ang mga bagong silid-aralan na pinangunahan rin ng GMAKFI kasama ang 2nd Infantry Division, Philippine Army. Ang Tulan Elementary School ang isa sa mga napiling benepisyaryo sa programang ito para matugunan ang kakulangan sa mga pasilidad nito tulad ng silid-aralan.

Siniguro naman ni Ms. Dungca sa mga residente na matibay ang itatayong silid- aralan at kaya nitong harapin ang mga bagyong dumaraan sa kanilang lugar.

Nagpasalamat din si Ms. Dungca sa iba’t ibang ahensya gaya ng Manila Water Foundation, SANITEC, Davies, Eagle Cement, Yale, Hanabishi, at Mariwasa na magiging katuwang sa proyekto.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Maj. General Capulong sa GMAKFI dahil sa patuloy na pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Army upang maiparating ang mga proyektong makakapagbigay tulong sa mga mamamayan ng Quezon.

Hinikayat rin ni Maj. General Capulong ang mga magulang at guro na pangaingatan ng mga ito ang itatayong silid-aralan para mabigyan pa ng maayos at magandang kinabukasan ang mga batang papasok dito.