Sa totoo lang wala naman talaga sa plano ni Gretchen Barretto na pasukin ang politika, pero dahil sa boxes niya na maraming natutulungan ay nagka-ideya sila na bakit hindi pasukin ang politika para lalong lumawak ang kanyang matutulungan.
“Kaya nga siya binansagan na ‘Our Lady of Ayuda,’ dahil sa dami ng kanyang natulungan. Namigay siya ng bigas sa ospital ng gobyerno, gaya ng San Lazaro at Philippine General Hospital.
“Namigay din siya sa mga LGUs sa Rizal at Cavite ng sako-sakong bigas, namigay din siya ng wheelchair.
“Kung papasukin niya talaga ang politika, visible naman ang mga friends niya na may social media kaya malalaman din natin agad kung ready na ba siyang pasukin ang politika,” pasabog pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY