May 18, 2024

ANGEL LOCSIN, BALIK GMA-7 MILAGRO KASI NARIYAN ANG PRIMETIME QUEEN NA SI MARIAN RIVERA

MILAGRO raw na makabalik si Angel Locsin, sa Kapuso TV network, dahil andiyan pa naman ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Isa pa hindi pa rin naman siya gaya ng dati na sexy, at talagang handang kabugin si Marian Rivera.

“Siyempre patatalo ba ng basta-basta si Marian, of course, hindi ano? Pakakainin muna siya nito ng maraming alikabok bago mangyari iyon.

“Ang tanong, tanggapin naman kaya siya ng management Ng GMA-7 gayung nagkaroon sila ng bangayan dati?” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.