AKSIDENTENG nahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang eskuwelahan ang Grade 1 pupil na batang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kaagad isinugod ng security guard at utility personnel ng San Rafael Village Elementary School sa Tondo Medical Hospital ang 7-taong gulang na biktima na sa kasalukuyan ay nakaratay pa sa naturang pagamutan matapos isailalim sa pagsusuri ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Deks (WCPD), nasa ika-apat na palapag ng naturang paaralan sa Brgy. San Rafael ang bata nang makita na lamang ng utility personnel na si Rommel Ballad na aksidenteng nahulog dakong alas-2:30 ng hapon.
Inatasan naman ni Ginoong Michael Daco, principal ng naturang paaralan, ang school teacher na si Ethenel Jaime na alalayan ang mga magulang ng bata na kaagad ding nagtungo sa pagamutan upang alamin ang kondisyon ng kanilang anak.
Hindi naman nakalagay sa ulat ng pulisya kung naglalaro o may kasama pang ibang bata ang biktima sa ika-apat na palapag nang mangyari ang aksidente. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY