CLARK FREEPORT – Balik-operasyon na ang mga iba’t ibang ahensiya na pinapatakbo ng gobyerno sa One-Stop Processing Center (OSPC) sa nasabing Freeport upang magbigay ng mabilis, maginhawa at maasahang serbisyo para sa publiko habang patuloy ang banta sa kalusugan na dala ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa report ng Clark Development Corporation (CDC)-External Affairs Department (EAD), kabilang sa mga opisina na binuksan sa OSPC ay ang Department of Labor and Employment (DOLE), National Bureau of Investigation (NBI), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Pag-IBIG Fund, Philhealth at Philippine Overseas Employment Agency (POEA).
Habang balik din sa serbisyo ang Philippine Statistics Agency (PSA), Social Security System (SSS) at Tourism Infrastructure Zone Authority (TIEZA).
Samantala, mananatiling sarado ang mga opisina ng Commission on Filipino Overseas (CFO) at Professional Regulations Commission (PRC) sa OSPC. Iaanuninsyo na lamang nito ang mga detalye kung kailan magsusumula ang kanilang operasyon.
Para sa karagdagang katanungan kaugnay sa operasyon at iba pang proseso ng OSPC, maaring tumawag ang publiko sa CDC-EAD CSR and Placement Division sa numerong: (045) 499-2265, and (045) 499-8264.
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang heath at safety protocols sa OSPC upang tiyakin na ligtas sa virus ang publiko.
Ang OSPC ay itinayo sa pakikipagtulungan ng CDC at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na naglalayong mapabilis ang proseso ng serbisyo para sa mga empleyado, locators at residente ng mga katabing komunidad nito.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA