KAPAG-usapang komedya, una sa listahan ang komedyante, aktor, producer at philanthropoligst na si Roldolfo “Dolphy” Quizon na tinaguriang “King of Comedy” ng bansa.
Kaya ipinamalas ng Multinational technology company na Google ang kanilang tribute kay Dolphy sa pamamagitan ng doodle para sa kanyang 92nd birthday.
Ang bituin ay nakagawa ng mahigit sa 200 pelikula at multiple long-running television series, si Dolphy ay tumatak sa puso ng milyon-milyong Filipino sa loob ng anim na dekada.
Si Rodolfo Vera Quizon ay ipinanganak noong 1928 sa Maynila. Nagsimula siya sa pagtitinda ng mani at butong pakwan noong kanyang kabataan. Nakakapanood siya ng libreng pelikula dahil sa pagtitinda.
Sa panahon ng pananakop ng Japan, ay edad labimpito siyá nang bigyan ng trabaho ni Benny Mack bilang isang mananayaw sa Avenue theater at Lyric theater. Una niyang pelikula ang Dugo at Bayan kasama si Fernando Poe, Sr., ama ng magiging kaibigang si Fernando Poe, Jr. Sa pagtatapos ng dekada 40, pinasok niya rin ang radyo sa tulong ni Conde Ubaldo, isang sikat na manunulat sa radyo, direktor, at prodyuser. Sa programa sa radyong Wag Naman nakasama niya sina Pancho Magalona na bida sa programa, Tessie Quintana, at Baby Jane. Nagsimula rin sa radyo ang tambalan nilá ni Panchito. Noong 1952, ipinakilala ni Pancho Magalona si Dolphy kay Dr. Jose “Doc” Perez, may-ari ng Sampaguita Pictures. Dito nagsimula ang kaniyang karera sa pelikula.
Ilan pa sa mga pelikula at programang nagpasikat sa kaniya ang Sa Isang Sulyap Mo Tita (1953); Jack en Jill (1954); Facifica Falay-fay (1969); John En Marsha (1973); Ang Tatay kong Nanay(1978); Haw Haw de Karabaw (1988); Home Along Da Riles (1992); Markova: Comfort Gay (2000); at Father Jejemon (2010).
Bilang pagkilala sa kanyang mga naiambag sa Filipino entertainment industry at ang panghabambuhay na pilantropiya, ipinagkaloob kay Dolphy ang Philippines’ Grand Collar of the Order of the Golden Heart noong 2010.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ang mga pelikula nitong puno ng aral at katatawanan na humakot din ng mga award.
“Happy birthday, Dolphy! Thank you for sharing the gift of laughter across generations,” pagbati ng Google.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?