ITINANGGI ng talent manager ni Ivana Alawi ang kumakalat na tsismis na tinanggal si Ivana Alawi sa “FPJs Batang Quiapo” dahil sa attitude problem.
Sa pamamagitan ng “Showbiz Sidelines” segement ni DJ Jhaiho sa “Teleradyo Serbisyo” noong Hulyo 8, sinagot ng talent manager na si Perry Lansigan ang ibinunyag ng isang personal assistant laban kay Alawi.
Inamin ng hindi pinangalanang personal assistant na palagi raw hindi available si Ivana sa taping at may mga instances na hindi nito pinagbibigyan kung pinakikiusapan siyang mag-extend ng oras dahil may mga eksena pang kukunan sa kanya.
“…Kumakalat ngayon online na attitude itong si Ivana at kaya mawawala sa ‘Batang Quiapo’ ay dahil sa kanyang pag-aattitude,” turan ni DJ Jhaiho kay Lansigan sa text message.
Paliwanag ni Lansingan… “From the very start… three months lang dapat talaga ang kanyang pagii-stay sa nasabing teleserye. Three months ang kanilang napagkasunduan at um-okay si Ivana.”
Napansin ni Lansigan na nangyari ang usapan sa pagitan ni Alawi at ng staff ng TV series noong Agosto noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kasal ng dating cast member na si Lovi Poe.
“Pero dahil nag-click ang tambalan ni Bubbles at ni Tanggol, na-extend nang na-extend at nadagdagan pa ng maraming taping,” pagpapatuloy ni Lansigan.
“Hanggang sa hindi na po kinaya ng schedule bilang meron din pong mga prior commitment si Ivana—mga shoots, vlogs, etc.—na na-oohan ng kanyang management. Hindi na kakayanin talaga ni Ivana,” dagdag pa ng talent manager.
Binigyang-diin ni Lansigan na gumawa sila ng ilang mga adjustment sa mga naunang commitment ni Alawi para sa kanya na asikasuhin ang kanyang mga responsibilidad sa “Batang Quiapo.”
Pinabulaanan din ni Lansigan ang mga pahayag na nagkaroon na ng huling taping si Alawi para sa teleserye, at sinabing mayroon pa siyang iskedyul ng taping hanggang Biyernes, Hulyo 12.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA