
MALAKING tulong sa kandidatura ni Las Piñas Rep. Camille Villar para Senador ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte – na nagdulot ng mga haka-haka na iiwan na ni Villar ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon.
Ibinahagi ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang behind-the-scenes photos nitong Linggo (Abril 13) mula sa isang video shoot na itinatampok sina Villar at Duterte.
Makikita sa isa sa mga larawan na nag-fist bump gesture si Villar kasama si Duterte at kanyang ama na si dating Senate President Manny Villar.
“Politics is addition after all!” mababasa sa caption ni Roque.
Bagaman kasapi pa rin ng Alyansa, kapansin-pansin na gumawa na ng sariling landas si Villar sa kampanya kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunpaman, iginiit ng kampo ng Alnyansa na mananatili si Villar sa kanilang tiket.
Ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey, kasalukuyang nasa three-way tie si Villar para sa 12th hanggang 18th na pwesto, kasama sina dating senador Bam Aquino at SAGIP Rep. Rodante Marcoleta.
More Stories
MARCOS PINAYAGAN WORK-FROM-HOME, HALF DAY NG GOV’T WORKERS SA MIYEKULES SANTO
EX-PCSO CHIEF GARMA HUMINGI NG ASYLUM SA US
Rizal House bet JB Pallasigue kinilala kahalagahan ng mga nanay