May napili nang makahaharap si boxing icon Oscar De La Hoya sa kanyang pagbabalik sa ring.
Nasa radar ng tinaguriang ‘Golden Boy’, 47-anyos na labanan si knockout artists Gennady Golovkin. Aniya, magiging easy daw na talunin si ‘Triple G’.
Si Golovkin ay current IBF at IBO middleweight champion.
“You know how easy GGG would be for me? Oh, my gosh,” ani De La Hoya sa BoxingScene.
“It would be a high-profile fight, that’s for sure.”
Siyam na taon ang tanda ni De La Hoya sa 38-anyos na si Golovkin. Naghahanda ang huli sa upcoming bout sa December. Kung saan, idedepensa niya ang titulo kay Kami Szeremeta.
Giit pa ni De La Hoya, kayang-kaya niya si Triple G dahil may edad na rin itong boxer.
“He’s older as well. I always took a good shot and I always took apart fighters like him,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!