Itinabla ng Golden State Warriors ang finals series sa 2-2 matapos talunin ang Boston Celtics sa Game 4. Nilatigo ng Warriors ang Celtics sa iskor na 107-97. Bumida sa big win ng Dub City si Stephen Curry na nagtala ng double-doubles.
Bumira si The Chef ng 43 points, 10 boards at 4 assists. Ang 21 points rito ay mula sa 7 out-of-14 sa three points. Dos por dos din ang ginawang performance ni Andrew Wiggins na 17 points at 16 boards. Si Klay Thompson naman ay nag-ambag ng 18 points, 2 boards at 2 blocks.
Naging maingat ang Warriors sa kanilang desisyon sa Game 4. Lalo na sa pag-execute ng bola, opensa at depensa. Sila ang nagdi-dictate ng laro at sa kanila ang momentum. Lumamang ang Warriors ng 7 points sa first half.
Bagamat lumalamang ang Celtics, hindi ito hinayaang lumubo ng away team. Iniwasan din ng Golden State na ma-choke sila sa fourth quarter. Kaya, naiposte nila ang 97-94 lead sa 3:49 minutes ng laro. Mula rito, nagposte sila ng 7-0 run kaya naiselyo ang panalo.
Malaking rason sa pagkatalo ng Boston ang hindi agresibong offense, maraming turnovers at maalat na field goal shots. Umabot sa 16 turnovers ang Celtics habang 12 naman sa Warriors. Lumagare sa Boston si Jayson Tatum na may 23 points at 11 rebounds.
Nagdagdag naman si Jaylen Brown ng 21 points at 18 points naman ang kay Marcus Smart.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE