
Nakaalpas ang Golden State Warriors via blow-out win kontra sa Orlando Magic, 126-95. Nanguna sa panalo ng Warriors si Stephen Curry na sumalpak ng 31 points. Kasama na rito ang 8 assists, 3 boards at 2 steals. Umalalay naman si Andrew Wiggin na kumana ng 28 points, 3 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Jordan Poole ng 12 points, 7 boards at 7 assists.
Samantala, sinuwag naman ng Milwaukee Bucks ang Cleveland Cavaliers, 112-104. Bumida si Giannis Antetokounmpo mula sa injury s apagbuslo ng 27 points. Gayundin ng 12 rebounds at 2 assists.
Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 21 points at 20 points naman ang kay Jrue Holiday.
Pinapak naman ng Chicago Bulls ang Denver Nuggets sa iskor na 109-97. Nanguna sa panalo ng Wind City si Zach LaVine na bumira ng 32 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT