Kumpiyansa si three-time swimming Olympian Akiko Thompson-Guevarra na makakasungkit ng gold medal ang bansa sa olympics.
Kahit na may pandemic o wala, dapat ay positibo ang mga atleta. Ito na aniya ang tsansa upang makamit ang minimithing gold medal.
“I really think this is the closest we’ve ever been to winning the Olympic gold medal,” aniya sa Usapang Sports on air ng TOPS via zoom.
Malaki ang posibilidad na makakuha ang bansa ng ginto. Hindi lang sila, kundi multiple medals. Ito ay dahil sa mentalidad ng Pinoy na lumalaban.
Kung sa Rio Olympics nga, muntikan nang masungkit ni Hidilyn Diaz ang gold. Siguro naman, this time, makukuha na natin.
Ang ibang atleta sa mundo ay apektado sa COVID-19. Kaya, naapektuhan din ang kanilang emosyon at mentalidad.
Ngunit, sa kabila nito, nagsasanay sila, kabilang ang ating athletes para sa Olympics na idaraos sa July 23 hanggang August 8 sa Tokyo.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2