BENTAHE na ang Pinoy athletes na nakapag-uwe ng gold at silver medal nitong nakaraang 3rd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa pagpili ng bubuo ng Team Philippines na sasabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ayon kay Philippine Olympics Committee president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Ang iba pang criteria ayon kay Tolentino ay ibabase sa Asian at world rankings na esensiyal para sa Asian Games na qualifier para sa Paris 2024 at ang Hangzhou results ay babagsak sa Olympic qualifying window na magsisimula sa June 1 hanggang sa susunod na taon.
“Thats a parameter, gold and silver in Cambodia will be strongly considered for the national team in Hangzhou”, wika ni Tolentino, “They’ ll be funded under Group A classification, The rest will be in Group B but they need to be evaluated”,
Ang POC ay nag-set ng Group A Classification for athletes na popondohan ng Philippine Sports Commission at ang Group B ay babalikatin ang pondo ng kani-kanilang national sports association (NSA).
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO