December 26, 2024

GOBYERNO UUTANG NG P2.46-T PARA SA 2024 BUDGET – QUIMBO

Kinumpirma ni House Appropriations Committee senior vice chair at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na manghihiram ang gobyerno ng P2.46 trillion para sa augment sa P5.768 trillion national budget para sa susunod na taon.

Inihayag ito ni Quimbo sa pagsisimula ng plenary deliberation para sa panukalang 2024 national budget.

Ayon kay Quimbo ang 43.32 percent sa 2024 national budget ay magmumula sa borrowings habang ang 57 percent ay popondohan mula sa local revenues.

Mula sa borrowings nasa P2.46 trillion ang uutangin ng gobyerno.

Nakatakdang aprubahan ng Kamara ang national budget sa final reading bago mag break ang House of Representatives sa September 30 hanggang November 5.