Dapat tigilan na ng gobyerno ang pag-aangkat ng mga pulang sibuyas sa ibang bansa at unahin ang mga lokal na produkto para matulungan ang mga magsasaka na makaiwas sa pagkalugi.
“Sapat pa ang ating stock ng locally produced onions samantalang…pumayag na mag-import ang ating gobyerno. Kaya ngayon, ang iyak ng mga magsasaka, walang gustong bumili ng locally produced red onions,” ayon kay Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara.
Ayon kay Vergara ang landed cost ng imported na sibuyas ay P35 kada kilo na malayo sa P65 hanggang P70 kada kilo na farm gate price sa bansa.
“Dagdag nyo pa po dyan yung cold storage so aabot yan, papatak yan mga P90 to P100 para maka-break even po ang mga magsasaka,” sabi ni Vergara.
“Ngayon ang iyak nila walang gustong bumili at kung bibilhin P70 (kada kilo) eh sobrang palugi naman po yun. Nakakalungkot po itong nangyayari ngayon sa sibuyas,” dagdag pa ng lady solon.
Ang presyo umano ng imported na sibuyas ay nasa P120 lamang kada kilo kapag itininda sa mga lokal na palengke.
“Napakalaki ng kanilang kita,” sabi pa ng mambabatas.
Nanawagan din si Vergara sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang produkto sa mga end user.
“Kahit P110 P120 ibebenta na ng mga magsasaka para mabawi yung puhunan na P100 dapat yan ibenta sa merkado ng P140, P130,” sabi ni Vergara. “Para panalo po lahat, panalo ang magsasaka, panalo rin ang consumer, at tinutulungan natin ang self sufficiency at food security ng ating bansa sa onions.”
Nagpahayag din ng pangamba si Vergara na baka mangyari sa sibuyas ang nangyari sa bawang. “Pag hindi kumita ngayon (ang mga magsasaka), hindi na magtatanim sa susunod na taon magiging import dependent po tayo,” dagdag pa ni Vergara.
“Parang nangyari sa bawang dati po we’re self-sufficient ngayon po we keep importing from China.”
More Stories
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag
NAVOTAS, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI NG TAUNANG NAVOSPASKO HAM