May 28, 2024

DRIVER, OPERATOR UMAASA NA MABIGYAN SILA LAHAT NG FUEL SUBSIDY – TRANSPORT GROUP

Iginiit ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) nitong Linggo na umaasa silang lahat ng transport workers ay makakatanggap ng fuel subsidies sa gitna ng magkakasunod na malaking pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay ALTODAP President Boy Vargas, hiling niya na kung talagang ipatutupad na ito, ay sana lahat naman ay mabigyan. Wag naman sana may maiwanan pa.

Matatandaan kase aniya na noong nakaraan, noong ibang administrasyon, marami raw ang naiwanan, maraming hindi nakakuha.