AMINADO ang isang alkalde na mahihirapang makapasok sa trabaho sa pribadong kumpanya ang isang dating nalulong sa bawal na droga kahit na sumalang sa rehabilitasyon
Ayon kay Cainta Mayor Elen Nieto, kailangang gobyerno na rin ang magbigay ng pagkakataon upang tuluyang makapagbagong-buhay ang isang indibiduwal na nalulong sa paggamit ng illegal drugs ngunit na-rehabilitate na.
Ginawa ni Mayor Nieto ang pahayag kaugnay sa limang indibiduwal na tinulungan ng pamahalaang bayan ng Cainta, Rizal upang sumailalim sa rehabilitasyon matapos na makumpirma na talamak sa paggamit ng shabu.
Ang limang hindi pinangalanang katao ay natapos na sa period of rehabilitation at lalabas na sa treatment facility sa Lunes, Hulyo 25.
Tiniyal ng alkalde na sa sandaling makalabas na ang limang drug users ay may naghihintay sa kanilang trabaho sa munisipyo.
Ito aniya ay bahagi ng programa ng bayan para sa mga drug user, upang makabalik sa normal na pamumuhay.na mayroong isusuporta sa kanilang mga oamilya.
“Yung programa natin para sa mga naging drug users, nagsisimula sa pagdala sa kanila sa treatment facility… na gobyerno natin ang gagastos… at pag natapos nila ito, gobyerno pa rin ang unang tatanggap sa kanila para makapagsimula uli ng kanilang mga buhay. Pinangakuan ko sila na sa paglabas nila, may trabahong mag aantay sa kanila.. dahil harapin na natin.. mahihirapin silang pumasok sa pribadong opisina dahil sa record nila. Eto yung limang kalalabas lang sa treatment facility, at sa Lunes, Hulyo 25, mag-start na sila magtrabaho sa Cainta LGU,” sabi ni Mayor Nieto.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE