January 27, 2025

GMA STAFF GINIMBAL NG SIBAKAN

Tinanggal ng pamunuan ng GMA Network ang ilang staff ng GMA News TV (GNTV), at iba pa nitong free-to-air channel.

Nasa 10 news at public affairs shows ng GNTV ang apektado sa nangyaring tanggalan, ayon sa ilang insider sa naturang network

Kabilang sa mga listahang ito ay ang State of the Nation (SONA); ang long-running afternoon newscast Balitanghali; Quick Response Team (QRT); at News TV Live. Hindi muna umere ang mga nasabing programa mag-lockdown dahil sa pandemic simula noong Marso.

Napag-alaman na inabisuhan ng management ang ilang staff kaugnay sa nangyaring sibakan noong Setyembre 8.

Base sa source ng Rappler, kabilang sa mga tinanggal ang mga empleyado na contractual o nasa ilalim ng tinatawag na project employment contract.

Nagpahayag naman ang ilang manggagawa sa social media ng kanilang pagkabigla at kalungkutan sa nangyari.

“It’s all so sudden,”  saad ng isang staff na sinibak sa Rappler. “We didn’t hear there would be layoffs. But they told us that if and when they will hire staff again, they will make us their priority. That is, if the shows will ever return on air. They said it’s the management’s final decision and that they are just finalizing the termination documents this week,”  dagdag pa ng mga ito.

Sabi pa ng isang staff:  “I feel we have it worse than some employees of ABS-CBN. It feels like we were the ones who were shut down. We thought we still have jobs to return to, but now there’s none for us.”

Karamihan naman sa mga GNTV workers, na may mga raket sa GMA shows ay maaring ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa main channel.

Hiningan na rin ng komento ng Rappler ang pamunuan ng GMA News, kabilang na sina Senior Vice President for News Public Affairs Marrisa Flores at GMA first Vice President for News Grace Dela Peña-Reyes pero wala pa silang sagot habang isinusulat ang balitang ito.

Ang ilan pang apektadong programa ng GNTV public affairs ay ang mga sumusunod:

  • Tonight with Arnold Clavio
  • Biyahe ni Drew
  • Good News
  • Ang Pinaka
  • Pop Talk
  • Pinas Sarap
  • Bawal Ang Pasaway
  • Reel Time

Habang ang mananatiling matibay na show ng GNTV ay ang Newsmaker ni Winnie Monsod, Bright Side ni Kara David, Pera Paraan ni Susan Enriquez, Home Work ni Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, at Family Time ni Drew Arellano.