
SI Phiangphor Sarasathapheng o mas kilala bilang si Tao Sattaphong Phianghpor ay isang sikat na model, aktor at singer.
Nagsimula siya sa mundo ng showbiz noong 2012 at nagtuloy-tuloy ang kanyang pagiging bituin.
Hindi puwedeng makalimutan ang kanyang husay sa pagganap sa mga drama films na kanyang nagawa gaya ng Coffee Prince [2012] Koo Plub Rang [2014], Room Alone: The Series [2014], Sandy The Series [2014], Wannueng Jaa Pben Superstar [2015], Kiss Me [2015], Room Alone 2 The Series [2015], Kiss The Series [2016], Club Friday The Series Season 8 [2016], Climbing For Love [2016], Princess Hours [2017], Club Friday: Ruk Long Jai [2017], Game Sanaeha [2018] at ang Yuttakarn Prab Nang Marn [2018].
Kahit malapit nang matapos ang kanilang teleserye sa GMA-7 na ‘Princess Hours’ patuloy pa rin itong umaani ng tagumpay. Sinisubaybayan pa rin ng kanilang mga fans ang nasabing serye, hindi lang sa mga kabatan kundi maging sa mga taong mahihilig sa mga drama serye sa telebisyon.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA