Pumihit ng panalo si Filipino woodpusher Mark Paragua sa FIDE Online Chess Olympiad. Dinaig ni Paragua ang kalabang si International Master Asyl Abdyjapar sa iskor na 6-0.
Ang matindi, 20 moves lang ang ginawa ng New York-based chess master upang daigin ang kalaban.
Bukod kay Paragua, wagi rin ang ilang Pinoy chess wizards. Kabilang dito sina GM Joey Antonio at WIM Catherine Seoopito. Gayundin sina Jerlyn Mae San Diego, Michael Concio at WIM Bernadette Galas.
Wagi si Secopito kay Diana Omurkekova habang pinanis naman ng 32-moves ni Antonio si Andrei Mazntisin. Paksiw naman kay Galas si Aizhan Alymbai Kyzy.
Wagi naman si Concio kay Aziz Degenbaev at tinalo naman ni San Diego si Shakhnazi Musaeva.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2