Champion sa All Women’s Invitational Elimination Round online chess tournament si Arena GM Rowelyn “Kajoy” Joy Acedo.Ito’y sa kabila na lumindol pa ng 6.1 magnitude na nagpayanig sa Davao City.
Kaya naman, ito ang isa sa unforgettable experience niya sa chess match.
“I was so nervous. I can’t leave since we were on Zoom and there were two cameras for anti-cheating purposes and I’d lose by default if I had left),” aniya sa Sunstar Davao.
Idinaos ang torneo via lichess.org. Si Acedo ay pambato at pride ng Davao City. Kung saan, kababayan nito si Pangulong Duterte.
Nakatipon siya nng 13 points sa 16 na matches sa 17-player field. Nagtapos siya sa 3 minutes plus at 2 seconds increment time control format.
Nagbulsa si Acedo ng P25,000 cash prize. Dahil sa kanyang pagwawagi, natakdang sumagupa si Acedo sa one-on-one match.
Haharapin niya kahit sino sa dalawa sa P25,000 winner take all tournament. Ito ay si Mr. Kim Zafra, Candidate Master Genghis Imperial. ‘O kaya si Asean Master Al Basher “Basty” Buto.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!