Handang iwan ni Glaiza De Castro ang showbiz kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya.
Kung darating daw iyong time na lalagay na siya sa tahimik, ito raw iyong time na talagang pokus na siya sa pamilya.
Pero hindi pa raw iyon sa ngayon dahil napaka busy pa niya sa kanyang career.
“Sa ngayon puro kayod ako dahil pinaghahandaan ko na rin kahit papaano ang paglagay ko sa buhay may asawa,” ani Glaiza.
Hindi naman daw ganoon iyon kadali. Mas maganda iyong may plano.
Isa pa mas gusto niyang matutukan ang pamilya lalo na ang magiging mga anak nila ng kanyang future husband.”
“Ganyan kahalaga sa akin ang buhay may asawa. Kaya kung magagawa ko iyon, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.”
“Kaya naman pinaghahandaan ko na talaga,” nakangiting pahayag ni Glaiza sa inyong lingkod.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA