May 18, 2024

Gina Pareño, interesado maging cast na lola sa Walt Disney movie

Ang award-winning Filipino actress na si Ms. Gina Pareño ay nag-post sa Twitter account niya. Aniya, interesado siyang mag-audition para sa lead role ng isang lola sa upcoming movie ng Walt Disney.

“Pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE!” aniya.

Madali namang sumagot ang mga followers at fans ni Gina.

Nag-retweet sila at tagged Disney’s Twitter pages at hiling nilang i-consider nila ang veteran actress sa role.

Naniniwala raw sila na perfect choice kung pipiliin nila si Gina. Ang ibang fans ay nag-share pa ng ilang eksena ni Gina mula sa mga nagawa na niyang proyekto sa movies at TV.

Isang mahusay na aktres si Gina at tumanggap na siya ng mga awards mula sa award giving bodies sa bansa. Gayundin at sa mga international acting awards.

Isa rin sa requirements, ang mapipiling Filipina lola ay papayagang magtrabaho sa Amerika. Dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.