Nakatakas angGilas Pilipinas sa isang crucial game kontra Thailand sa men’s basketball tourney.Pinadapa ng Gilas ang Thais sa iskor na 76-73 sa unang laro nila sa biennial meet.
Nanguna si June Mar Fajardo sa pagbuhat ng squad. Bumira ang 6-time PBA-MVP ng 28 points at 12 boards. Nag-ambag naman si Thirdy Ravena ng 17 points, 6 boards at 3 assists.
Tanggap naman ni Gilas coach Chot Reyes ang hamon na ginawa ng Thais. Kung saan, pinahirapan sila ng Thailand.
“We expected to struggle due to the four foreigners in their lineup,” aniya.
“Plus, this is the very first time we played together. We didn’t even have the chance to scrimmage.”
“[So] we just relied on our experience to grind out the win,” dagdag nito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!