November 23, 2024

GILAS PILIPINAS, TINIRIS ANG INDONESIA, PERO MAHIHIRAPAN SA BELGRADE MEET—TOROMAN

Tiniris ng Gilas Pilipinas ang Indonesia sa iskor na 76-51 sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers Clark window. Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng national team sa third window.

Kapwa naging mahirap sa two teams ang pagbuslo sa unang half. Mahigpit kasi ang depensa ng bawat isa. Katunayan, nataposa ang unang yugto sa 30-22 pabor sa Gilas.

Ngunt, rumatsada ang Pilipinas sa third frame at tuluyan nang nakalayo. TInambakan pa nito ang Indonesia ng 20 points.

Pinilit maghabol ng away team. Pero, dahil sa magandang opensa’t depensa ng di nila ito nagawa.

Bumida sa panalo ng Gilas sina Dwight Ramos, LeBron Lopez at Carl Tamayo. Gayundin sina Justine Baltazar. Angelou Kouame at Kai Sotto.

Nagtala si Kouame ng 11 points, 5 boards at 1 steal at 1 block sa loob ng 20 minutes. bumuslo naman si Sotto ng 7 points at 7 boards. Si Baltazar naman ay kumana ng 11 points at 9 boards. Habang si Tamayo ay bumita ng 6 points.

Pinuri naman ni Indon coach Rajko Toroman ang men’s team dahil sa magandang ipinakita nitong laro.

It’s great for basketball in the Philippines to have Gilas, because all these players are very talented,” aniya. Sinabi rin nito na pang-PBA level ang laro ng Gilas 8.0.

Pero, mahihirapan aniya ang team sa Begrade tourney lalo pa’t sasagupa sila sa Serbia at Dominican Republic.

Don’t expect a miracle from Serbia because they still don’t have the experience to play against great teams like Serbia and the Dominican Republic. Now, in the time of Corona, you won’t have that much international games, but it will be good for them,” dagdag ni Toroman.