
Bigo ang Gilas Pilipinas sa kanilang unang laro sa 2022 Fiba Asia Cup sa Istora Senayan, Jakarta, Indonesia. Pinayuko ng Lebanon ang national basketball squad, 95-80.
Gayunman, pumalag ang Gilas sa paghabol sa 22-point deficit sa fourth quarter. Kumana ang Gilas ng 11 straight points, may 8:18 remaining sa clock.
Kaya, naibaba ng team ang lamang sa 11 mula sa 82-60, sa 5:26 mark. Muling naibaba ang iskor sa 83-74 mula sa three-point play ni SJ Belangel sa 4:42 mark.
Ngunit, kinapos pa rin sa Lebanon kahit naikasa ang 14-1 run.
“Unfortunate that the result turned out this way. But, I thought we made a great run. We never quit, even when we were down by almost 20 points in the fourth,” ani Gilas coach Chot Reyes.
“We made a great run to get within single digits midway through the fourth quarter,” aniya.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA