IBINUHOS ng Gilas Pilipinas men’s basketball team ang ngitngit nito upang balatan ang Singapore,105-45 para hablutin ang semifinals berth sa basketball event ng 32nd Southeast Asian Games Csmbodia 2023 sa Morodok Techno Elephant Hall2 sa Phnom Penh.
Kumamada si Marcio Lassiter ng 4-of- 7 shooting sa tres upang igiya ang Gilas sa 2-1 ng group A para mapitas ang tiket sa semifinals kung saan ay nangunguna ang tumalo sa
Tumikada si CJ Perez ng 13 puntos at 11 rebounds habang si Justin Brownlee ay nag-ambag ng 12 puntos at 9 na rebounds.
Haharapin ng Gilas ang top team ng Group B na posibleng Thailand o defending champion na Indonesia( parehong 2-0 at nakatakdang baghsrap ngayong hapon sa Elephsnt Hall 2.
“This is basically our final practice for the semifinal game,” wika ni national coach Chot Reyes.”We can’t really go hsrd to practice.We wanted to already hurdle some of the things that we might need against whoever our opponent is.”
Pumoste ang Gilas Pilipinas ng maagang 29-5 bentahe sa unang yugto at lumobo pa ang kalamangan sa 63. Tinambakan din ng Gilas Pilipinas women’s team ang Vietnam 116- 58 upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa ng podium finish.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO